Kamakailan ay ni-represent ni Korina Sanchez ang fiancé na si Senator Mar Roxas sa isang climate change forum sa Negros Oriental? Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan din daw ng local officials at environmentalists.
Kaso, marami umano ang na-turn-off sa broadcaster dahil hindi tungkol sa theme ng forum ang ibinigay na speech ni Korina, kundi tungkol sa mga makakalaban ni Sen. Mar sa 2010 polls.
Ayon sa source, binira raw ni Korina ang isyu ng C-5 road double insertion at ang “double murder” case ng publicist na si Bubby Dacer at driver na si Emmanuel Corbito.
Hindi man daw nagbanggit ng mga pangalan si Korina, halata namang sina Sen. Manny Villar at Sen. Ping Lacson ang pinatamaan niya.
Marami raw ang nagulat kung bakit pati si Ping, pinasaringan ni Korina gayung nag-back-out na ito sa presidential race.
Nainis daw sila sa style ni Korina, dahil una, hindi tungkol sa eleksyon ang agenda ng pagtitipon. Pangalawa, hindi gusto ng mga taga-Negros ang “backstabbers” dahil wala sina Sen. Manny at Ping para idepensa ang mga sarili.
Totoo rin bang lalong nairita ang environmentalists nang ihalintulad ni Korina ang isang global issue gaya ng climate change sa “sleeping pills”?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment