Nagbabanta nga raw ng kasong libelo ang United Shelter Health Product senior vice president na si Maribel Galindez kay Korina Sanchez, dahil umano sa report na inilabas ng broadcast journalist sa mga programa nito na diumano’y nandaya ang kumpanya sa mga produkto, partikular na ang Lucida-DS Glutathione na iniendorso nina Gabby Concepcion at Sen. Loren Legarda.
Hindi raw ito basta-basta demanda, we were told, dahil sasampahan ng kaso ng kumpanya si Korina sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, tulad ng Davao, Iloilo, GenSan, Cagayan de Oro, Cebu, Iligan at Zamboanga.
Ang mga business partner daw ng Lucida sa mga nabanggit na lugar ang magsasampa ng kaso.
Kung matutuloy, hitsurang may nationwide tour si Korina sa pagdalo sa hearing ng kaso.
Hindi namin napanood ang expose ni Korina hinggil sa nasabing gamot, but we were told na ibinase lang umano ng broadcast journalist ang report sa resulta ng test ng Bureau of Food and Drug (BFAD).
Pero sa official statement ng United Shelter Health Product na naglabasan, nakasaad dito na “we are not fake” at puwede raw tawagan ang BFAD hotline tungkol dito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment